You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Alamin kung ano ang hinahanap ngayon ni Daiana Menezes sa isang relasyon

GMA News Online logo GMA News Online 3/17/2017 Jimenez, Fidel
@daianamenezes_ IG © Provided by GMA News Online @daianamenezes_ IG

Matapos ang bigong relasyon sa dating kongresista na si Benjo Benaldo, inihayag ni  ‘The Fiercest of Them All’ host Daiana Meneses na marami siyang natutunan.  Sinabi rin niya kung ano ang hinahanap niya sa susunod na lalaki na kaniyang mamahalin.

LOOK: Daiana Menezes' beach photos are making the summer even hotter

Sa pagbisita ni Daiana sa nakaraang episode ng programang "Tonight With Arnold Clavio," tinanong ang magandang Brazilian na may pusong Pinay kung ano ang ginagawa niya kapag nalulungkot o broker hearted.

"Umiinom ng alak [wine], tulog, sarili lang," tugon ng TV host-model.

Inamin din niya na ang pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan at nalampasan niya ay ang kabiguan ng pagsasama nila ng kaniyang dating asawa na nauwi sa diborsyo.

"Dyus ko ang tanga ko talaga. Not because I was married that's not the reason, what I'm saying dahil bino-broadcast ko yung feelings ko. So natututo na ko ngayon," paliwanag ni Daiana

Sinundan ito ni Igan Arnold na, "To keep it to yourself."

"Yes, exactly," dagdag ni Daiana.

Taong 2012 nang ikasal sina Daiana at Benjo sa Las Vegas, Nevada, at 2016 naman nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

READ:Daiana Menezes confirms divorce from former Rep. Benjo Benaldo

Nang tanungin si Daiana kung ano ang hinahanap niya sa susunod niyang karelasyon, saad ng Brazilian bueaty, "I'm looking for someone who is hardworking. Kasi ang hirap kung ako ang nagtatrabaho."

Kabilang daw sa natutunan niya sa nakaraang relasyon ay ang pagkakamali niya nang magmadali siyang lumagay sa tahimik nang makaramdam ng pressure.
Kaya naman trabaho daw muna ang uunahin niya at hihintayin na lang niyang dumating ang tamang lalaki na para sa kaniya.

Gayunman, sinabi rin ni Daiana na sa ngayon ay wala raw sa plano niya na magkaroon baby.

-- FRJ, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon