You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Heart Evangelista, planong magbakasyon para sa baby project nila ni Sen. Chiz

GMA News Online logo GMA News Online 1/12/2018 Jimenez, Fidel
(IG: iamhearte) © Provided by GMA News Online (IG: iamhearte)

Sa nalalapit na pagtatapos ng "My Korean Jagiya," plano raw ni Heart Evangelista na magkaroon ng two year break para makapagpahinga at makabuo ng baby nila ni Senator Chiz Escudero.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing balik-taping na si Heart para sa nalalabing episodes ng "My Korean Jagiya."

Nalulungkot daw ang aktres sa pagtatapos ng show dahil sa magandang samahan nila sa programa ng mga cast at crew.

"Nakakaiyak din na, you know, everything has to end. There's always changes so nakakalungkot lang na parang hindi na kami magkikita as much. But for sure magkikita kami even if hindi na kami magkasama sa taping," sabi ng aktres.

Mami-miss din daw ni Heart ang kaniyang Korean leading man na si Alexander Lee, na babalik daw muna sa Korea kapag natapos na ang kanilang serye.

"I'll miss Xander because I think he's gonna go back to Korea for a while before he starts maybe his next project here," ayon kay Heart.

At ang plano raw niya pagkatapos ng "My Korean Jagiya," "I plan to take a two year break after this. I'm going to try to conceive. I'm starting already now, so we'll see, we'll see what will happen."

May apat na biyahe rin siya sa ibang bansa na naka-schedule na magkahalong trabaho, at bakasyon nilang mag-asawa.

"Endorsement, the other would be about fashion, the other would be for anniversary namin ni Chiz and the other one, you know, enjoying each other's company and try to make a baby," masaya niyang sabi.-- FRJ, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon