You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Marian Rivera enjoys flower arrangement lessons in Japan

GMA News Online logo GMA News Online 3/19/2017 Tantiangco, Aya
Photo from marianrivera (IG) © Provided by GMA News Online Photo from marianrivera (IG)

Puspusan na ang paghahanda ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera para sa nalalapit na pagbubukas ng kaniyang bagong negosyo sa publiko—ang Flora Vida: Perennial Blooms by Marian Rivera, kung saan maibabahagi niya ang kaniyang hilig sa mga bulaklak.

Kamakailan lamang, lumipad ang aktres papuntang Japan kasama ang kaniyang asawang si Dingdong Dantes at ang kanilang anak na si Maria Letizia, at kasabay nga ng kanilang bakasyon ang pag-aaral ni Marian upang siguraduhing dekalidad na serbisyo ang maibibigay niya sa kaniyang magiging customers.

Sumabak ang Kapuso actress sa flower arrangement lessons sa Japan, kabilang ang isang klaseng pinangungunahan ng Danish floral artist na si Nicolai Bergmann, isa sa top florists mula sa nasabing bansa.

“Happy to learn something new!” ayon kay Marian sa isang Instagram post nitong Sabado.

Dagdag pa niya, “Thank you, Lord, for this productive day and for this opportunity to travel.”

[READ: Flora Vida is Dingdong Dantes’ Christmas gift for Marian Rivera]

Sa naunang pahayag, sinabi ng aktres na magiging hands-on siya sa pagpapatakbo ng kaniyang negosyo.

Aniya, “’Yung gagawin kong arrangements, ako mismo ang gagawa. Walang ibang taong gagawa nito. Secret pa ang concept, pero ako lahat—ang magde-design, mamimili ng kulay, gagawa ng arrangement. Ako lahat.” — Bianca Rose Dabu / AT, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon