You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Miss Earth England at Guam, nakaranas din daw ng sexual harassment; Ms. Cuba, iba ang kuwento

GMA News Online logo GMA News Online 11/8/2018 Jimenez, Fidel
a group of people posing for the camera: miss earth candidates miss earth candidates

Matapos isiwalat ni Miss Earth Canada Jaime VandenBerg sa pamamagitan ng Instagram post ang naranasan umano niyang sexual harrasment habang nasa Pilipinas kaugnay ng kompetisyon, dalawa pang kandidata ang nagsiwalat nang katulad umanong insidente. Pero ang pambato ng Cuba, kinontra ang mga alegasyon ng ilang kandidata.

Sa kaniyang IG post, sinuportahan ni Ms. England Abbey-Anne Gyles-Brown ang alegasyon ni Jaime laban sa hindi niya pinangalanang sponsor ng pageant at sa pakiramdam na hindi sila ligtas.

READ: Miss Earth-Canada, nakaranas umano ng sexual harassment habang nasa Pilipinas

"I enjoyed 50% of my trip but the other 50% was over shadowed by feeling exploited, vulnerable, unnerved & sexually harassed as I was approached by a sponsor on many occasions who asked for sexual favours in exchange for the Crown," sabi ni Abbey-Anne.

Siya din umano ay nilapitan ng sponsor habang nasa Manila Yacht Club silang mga kandidata.

"The sponsor tried to find out what hotel and room I was staying in. [Miss Canada and I] approached Team Managers to express our disgust only to be laughed at," saad niya.

Sabi pa ni Abbey-Anne, hindi rin umano natupad ang pangako umano ni Lorraine Schuck, Vice President ng Carousel Productions na namamahala sa pageant,  na aalisin ang inirereklamong sponsor para hindi na gambalain ang mga kandidata.

Pero dumalo pa rin umano ang sponsor preliminary at coronation night ng kompetisyon.

Maging si Miss Earth Guam Emma Sheedy ay sinabing hindi maganda ang inasal ng sponsor sa ilang pre-pageant activities ng kompetisyon.

Sa kaniyang hiwalay na IG post, ikinuwento rin ni Emma ang insidente sa Manila Yacht Club.

"To focus on ONLY myself (personal experience), I was pulled aside multiple times to be invited to Boracay, private islands and into his house and insisted that I and 'the [Latina] women dance for him,'" saad niya.

Patuloy niya, hindi naging komportable ang mga kandidata sa Manila Yacht Club dahil tiniyak ng sponsor na nakahiwalay ng kuwarto ang mga team managers at security personnel.

"This is where he made many girls uncomfortable. A groups of us left the room because we felt uncomfortable," aniya.

Hinawakan din umano siya ng naturang sponsor ang kaniyang likuran sa National Costume Competition. 

WALANG SEXUAL HARRASMENT-- MS. CUBA

Pero kung si Miss Earth Cuba Monica Aguilar ang tatanungin, wala siyang alam na sexual harassment na naranasan sa kompetisyon habang nasa Pilipinas.

Sa kaniyang hiwalay na IG post, sinabi ni Monica na dapat matigil na ang mga testimonya ng ibang kandidata tungkol sa alegasyon na may nagtangkang magsamantala sa kanila habang nasa Pilipinas.

“I have been seeing posts being made of candidates bashing the Miss Earth Organization, and it's time to put a stop to it," saad niya. "I have read the testimonies of several candidates complaining about supposed sexual harassment. I can confirm there was no sexual harassment happening in any shape or form.”

Bukod sa pasasalamat sa maganda niyang karanasan sa Pilipinas sa panahon ng kompetisyon, ipinagtanggol din niya ang team managers ng Miss Earth, taliwas sa alegasyon ng iba na nagpabaya umano at walang ginawa.

Saad pa niya, hindi kinumpiska ang kanilang pasaporte kundi itinabi lang ng organizer para hindi mawala.

“I felt extremely safe this entire month under the care of our team managers," saad niya.

Pagtatapos niya, “In conclusion, sexual harassment was not present in any shape or form, and the team managers did an outstanding job at keeping us safe. The Miss Earth Organization, especially Peachy [Veneracion] and Laurianne [Shuck] have done everything in their power to keep us safe and I think the world, or the earth rather, needs to know what really went on.”

GAGAWING MAS MAAYOS

Kasunod ng alegasyon ng kandidata ng Canada na si Jaime, sinabi ni Lorraine sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Huwebes, na may team manager ang bawat grupo ng mga kandidata na puwede nilang pagsabihan kung anuman ang kanilang problema.

Pero hindi raw nila alam ang reklamo ni Jaime, "She never told us. She came here on the 6th. We found out nu'ng October 14th. She never told anyone."

Patuloy niya, "So galit na galit ako sa mga team managers kasi kung ako tinawagan nila at may incident na gano'n, ipu-pull-out ko lahat cause I won't allow that to happen."

Ayon din kay Lorraine, Idinadaing din ng team manager si Jaime dahil mahirap itong pakitunguhan at maraming reklamo nang dumating sa Pilipinas.

"On her way here, naiwanan siya ng eroplano from Canada. And then when she got here, nawala lahat bagahe niya, tapos namatay ang tito niya. So, siguro 'yung mga team manager, parang inintindi na lang nila 'yung, 'yung nahirapan kasi sila sa kaniya," kuwento ng opisyal.

Kaagad din daw nilang ibinigay kay Jaime ang kaniyang passport nang hingin ito sa kanila. Pero paliwanag ni Lorraine, ang pagkuha nila ng passport ay para sa safekeeping dahil maraming pinupuntahan ang mga kalahok at puwede itong mawala kung hawak nila.

Hindi raw nila ipinagkait ang passport ni Jaime at noong October 22 ay bigla na lang daw umalis ang kandidata.

"She left the competition without asking permission nu'ng 22. So she stayed long, from the 6th to the 22nd," sabi ni Lorraine

Dahil sa pangyayari, nangako si Lorraine na sa mga susunod na taon ay titiyakin nilang mas magiging maayos ang lahat sa mga kandidata ng Miss Earth.

"Kailangan i-make sure lang namin na 'pag you feel uncomfortable, di ba, or you feel that you are being disrespected, andiyan katabi mo lang ang ating mga officers. Do not get scared," paliwanag niya.

Samantala, wala pang pahayag si Lorraine kaugnay sa naging IG post nina Miss Earth England at Guam.-- FRJ, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon