You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Super Tekla, sinagot ang mga alegasyon na lulong siya sa sugal at bumalik daw sa droga

GMA News Online logo GMA News Online 7/14/2017 Jimenez, Fidel
super tekla crying © Provided by GMA News Online super tekla crying

Super Tekla, sinagot ang mga alegasyon na lulong siya sa sugal at bumalik sa droga
Sa isang ekslusibong panayam, direktang sinagot ni Super Tekla ang ilang komento ng netizen na lulong umano siya sa pagsusugal at nagbalik sa paggamit ng iligal na droga. Lumabas ang mga alegasyon matapos siyang mawala sa "Wowowin."

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing idinaan sa biro ni Super Tekla ang dahilan ng kaniyang pagkawala sa "Wowowin."

"Nung nakarating sa akin ang balitang ganun, 'magpapahinga ka muna,' sabi ko this is it. Kasi sabi ko lahat nang nagpapahinga at lahat nang natutulog, natutuluyan," natatawa niyang kuwento.

Ang paniniwala ng komedyante, kalooban na rin ng Diyos ang kaniyang pinagdadaanan ngayon para magising kung may nagawa man siyang pagkakamali .

"Kasi mayroon tayong ginagawa na sa tingin natin na akala natin ok pero hindi pala ok," seryoso niyang sambit.

Sinabi niya na maaaring wake-up call ang nangyari sa kaniya para baguhin ang mga kailangan baguhin.

Noong nakaraang linggo, mismong si Tekla ang nagsiwalat sa pamamagitan ng social media post na wala na siya sa "Wowowin," matapos hindi mapanood sa programa sa nakalipas na dalawang linggo.

READ: Super Tekla, nagsalita na kung bakit hindi siya napapanood sa 'Wowowin'

Samantala, payo naman niya sa mga humuhusga sa kaniya sa social media; "Suutin niyo muna yung sapatos ko para malaman niyo ang pinagdadaanan ko."

Nilinaw din niya ang mga alegasyon ng ilang netizen na nagkokomento sa social media na lulong siya sa sugal at bumalik sa paggamit ng iligal na droga.

"Nagbi-bingo ako. I never thought na that its gambling. Kasi sa mga fundraising mayroon namang bingo," paliwanag niya.

Tungkol sa droga, sinabi ni Tekla na, "Ano ang reason ko bakit pa ako babalik dun? Kasi alam mo ba ang taong nagda-drugs or if you're intoxicated ng drugs hindi ka makakapag-isip nang maayos, 'pag once naka-drugs ka, lutang ka eh. Pinagdaanan ko na 'yon."

Nang mapag-usapan muli ang "Wowowin," bumuhos ang luha ng komedyante.
"Nami-miss ko yung 'Wowowin" of course minahal ko 'yon, sobra," saad niya. "Kuya [Willie Revillame], never akong magtatanim ng sama ng loob kasi lahat ng binigay ko sa akin though not financial, inaani ko na siya, sabi ko nga hindi na ako mahihirapang magsimula."

Nang tanungin kung aalis ba siya sa GMA, ayon kay Tekla, "Never, ako yung taong simple, yung salitang-utang na loob." -- FRJ, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon