Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere
Inaasahang magbibigay ng opisyal na pahayag ang management ng All Media Broadcasting System (AMBS) tungkol sa isyung, diumano, pansamantalang magpagpapahinga ang ilan sa mga programa ng ALLTV.
Ang ALLTV ang free-to-air broadcast television network na napapanood sa Channel 2, na dating nakatoka sa ABS-CBN hanggang hindi ito pagkalooban ng House of Representatives ng bagong prangkisa.
Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline
Inanunsiyo na sa mga talent ng ALLTV ang plano ng management kaya nag-last taping day na ang isa sa kanilang mga programa.
Nangako umano ang management ng TV network na pag-aari ni former Senate President Manny Villar na babayaran pa rin nila ang talent fee ng mga artista bilang paggalang sa mga kontratang kanilang napagkasunduan at pinirmahan.
Related Stories:
- Former ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna inks contract with ALLTV
- Ciara Sotto pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV
- Mariel Rodriguez, makakasama ang dating Kapamilya actress sa morning program ng ALLTV?
- AMBS President Maribeth Tolentino, tikom ang bibig sa balitang mahigit P500M ang TF ni Toni Gonzaga
Maayos ang paliwanag ng ALLTV management tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng kanilang TV station. Lubos daw itong naunawaan ng mga empleyado pero hindi nila naiwasan ang malungkot.
Ang Wowowin ni Willie Revillame; ang talk show ni Toni Gonzaga na Toni; at ang morning show nina Mariel Rodriguez, Ruffa Gutierrez, at Ciara Sotto na M.O.M (Mhies On a Mission) ang mga station-produced program ng ALLTV na nagkaroon ng soft launch noong September 13, 2022.
Ang ganap na paglulunsad sa ALLTV noong January 2023 ang isa sa mga orihinal na plano noong nakaraan na taon, pero hindi pa ito natutuloy dahil hindi pa umano natatapos ang konstruksiyon ng mga gagamiting studio sa Star Mall sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard, Mandaluyong City.