You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Netizens naging nostalgic sa floral kumot na ginawang shirt

PEP.ph logo PEP.ph 02/02/2023 Mavell Macaranas-Dojillo
© Provided by PEP.ph

Ang floral kumot na may stripe pattern at versions in pink, green, orange, and blue ay staple sa tulugan ng mga Pinoy simula pa noong 1980s.

Paano kung gamitin ang disenyo nito sa mga damit?

Samu’t saring reaksiyon ang natanggap ng Nobody Clothing nang ilabas nito ang isang top gamit ang iconic kumot design: yung white and pink stripes na may scattered floral prints.

Ayon sa post ng clothing brand nito lamang January 23, 2023, tatawagin itong Milagros shirt, at nasa R&D (research and development) phase pa lamang ito.

Ibig sabihin ay pinag-iisipan pa kung ibebenta ito sa market.

Related Facebook post

Shared from Facebook

But whether maging available ito sa market o hindi, marami nang netizens ang na-excite sa familiar design.

Sa kasalukuyan, ang post ay mayroong 19,000 shares, 4,100 "hearts" and "thumbs up" reactions, at 895 comments. 

NETIZENS RECALL MEMORIES WITH THE LUMANG KUMOT

Trip down the memory lane ang ginawa ng karamihan sa netizens na nag-iwan ng pahayag sa comments section.

Narito ang ilan sa comments nila, published as is.

Sabi ng isa: "Dika makakautang sa bumbay [Indian] pag dika bumili nian saka kumot package yun ih."

Biro ng isang netizen, ito raw ang "Kumot na laging nasusunog sa platsa [plantsa]."

Ang isa naman, iba ang naalala, "INIIHIAN KO nong 4yrs old ako"

classic kumot © Provided by PEP.ph classic kumot floral kumot © Provided by PEP.ph floral kumot

Dahil marahil sa maraming matamis na alaala ng karamihan, excited ang lahat na maging available sa market ang damit gamit ang iconic kumot design.

May nagbigay pa ng special request: "pajamas set pls." at sinundan ito ng #dinakailanganmagkumot.

Nakakaaliw din ang shared photos sa comment section.

Isa rito ay picture ni social media personality at TikTok star Sassa Gurl na ginamit ang disenyo ng kanyang outfit sa Preview Ball 2022 noong August 2022.

Gumawa ng entrance si Sassa sa isang floral pink dress na may parehong disenyo sa legendary kumot.

Kasali si Sassa sa 50 Most Influential List ng magazine noon.

sassa gurl preview ball 2022 © Provided by PEP.ph sassa gurl preview ball 2022 PHOTO: Sany Chua

Pero karamihan sa netizens ay ipinagyabang na gamit pa nila ang kumot sa kanilang bahay kahit ngayon.

Nag-flex pa ang isang netizen dala niya ang kanyag "paboritong kumot" hanggang Dubai.

netizen floral kumot © Provided by PEP.ph netizen floral kumot

NOBODY’S IDEA of making 

Ang Milagros shirt ay gawa ng isang grupo ng "nobodies," as they fondly call themselves, kaya ito rin ang itinawag nila sa kanilang brand.

Inumpisahan nilang itatag ang kanilang clothing brand noong 2016 with crazy and out-of-the-box ideas.

Ang karaniwang mukha ng kanilang mga disenyo ay manifestos, printed in blocks letters sa kanilang T-shirts.

Ang Milagros shirt umano ay ipinangalan sa isang malapit na tao sa grupo.

Tradisyon na kung maituturing para sa "Bunch of Nobodies" na gumawa ng product line base sa isang istorya.

At kung istorya lang din ang pag-uusapan, obvious na maraming kuwento ang bawat Pinoy tungkol sa fabric na ginamit.

Ayon sa team ng Nobody, ang mga istoryang iyon ang nag-inspire sa kanila para gamitin ang disenyo ng legendary kumot para sa kanilang latest project.

"Most of us have fond (we hope) memories about this fabric and the ways in which it was used around our homes."

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon