You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Sharon Cuneta, isiniwalat ang sama ng loob sa mga Duterte, DDS

PEP.ph logo PEP.ph 7/2/2020 Jojo Gabinete

Noong June 29, emosyonal na sinabi ni Sharon Cuneta sa Instagram Live video ang kagustuhan niyang kumandidato si Vice President Leni Robredo bilang pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Baka raw sakaling bumalik ang pagka-disente ng karamihan sa mga Pilipino.

Pahayag ng Megastar, "I don't know what's happened to our country.

"I hope VP Leni runs for president next time, dahil hindi na rin naman makakatakbo si Tatay next time.

"Pagkatapos ng term ni Pangulong Duterte, sana talaga manalo si VP Leni kung tumakbo siya.

"Baka sakaling bumalik ang pagkadisente ng karamihan sa atin."

Binanggit din ni Sharon na parang anak ang trato sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte, at ang pagmamahal niya kay presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

"Ang trato sa akin ng Pangulo parang anak niya, ang tawag niya pa sa akin, 'the singer of my life.'

"Tapos mahal ko si Inday Sara kasi maliit pa 'yan Sharonian na 'yan," sabi niya.

RESPECT BEGETS RESPECT

Pero kagabi, July 1, iba na ang pahayag ni Sharon sa Instagram tungkol sa mga Duterte.

Detalyadong inilabas ni Sharon ang tampo niya kay Mayor Sara at kay Pangulong Duterte, at sa mga DDS o Die-hard Duterte Supporters.

Ang pinag-ugatan ng malalim na sama ng loob ng Megastar ay ang pambabastos umano sa mister niyang si Senator Kiko Pangilinan at sa panganay nilang anak na si Frankie.

Pahayag ni Sharon, "Si Inday Sara, NIRESPETO NIYO BA AKO AT ANG ANAK KO? Noon pa binabastos niyo na ang asawa ko.

"Tapos ang pangulo mismo ang nag sabi na PINAPALAYAS KO ANG ASAWA KO SAMIN AT MAGRERESIGN SIYA KUNDI TOTOO. Ang laking GULAT NAMIN NOON.

"Dahil hindi ko pa siya nakakausap since before HE HIMSELF ASKED & CONVINCED MY BROTHER TO RUN FOR MAYOR OF PASAY. MAY NARINIG BA KAYO SA AKIN? WALA."

Noong 2019 elections ay tumakbo ang kapatid ni Sharon na si Chet Cuneta bilang mayor ng Pasay City. Pero tinalo siya ni dating Pasay City Representative Emi Calixto-Rubiano.

Patuloy ng Megastar, "Nasaktan kami at ang mga anak ko.

"Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong.

"Tuwang-tuwa kami nung inendorse siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso rin.

"MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA."

ENOUGH IS ENOUGH

Kasunod nito ay binanggit ni Sharon ang pambababoy ng "isang DDS" kay Frankie.

May kinalaman ito sa rape threat ng isang netizen—na base sa profile nito ay isang DDS supporter—laban sa anak nina Sharon at Senator Kiko.

Himutok ng actress-singer, "Tapos binababoy ng isang DDS na kasama nyo ang anak ko.

"May dumepensa ba sa amin kahit mahal daw ako ni Tatay? Wala.

"AKO AT SI KAKIE NA ITO, HINDI NA SI KIKO LANG. NASAKTAN AKO.

"Kasi TAYO DAPAT ANG MAGKAKAMPI. PERO KAYO ANG SUMIRA AT PATULOY NA SUMISIRA SAMIN."

Patuloy ni Sharon, "AWANG AWA NA AKO SA ASAWA’T MGA ANAK KO.

"Ilang taon ko din silang halos hinayaang masaktan habang pinagtatanggol ko ng pilit si Tatay sa kanila.

"Pero SOBRA NA KAYO. AYOKO MAKASAMA ANG MGA TULAD NINYONG WALANG AWA O PUSO."

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe ay sinabi ni Sharon na hindi na niya hahayaang masaktan muli ang kanyang asawa't anak.

"ILANG BESES NA KAMI NASAKTAN. NAPAKASAMA KO NAMANG ASAWA AT INA PAG HINAYAAAN KO PA NA MAGPATULOY YUN NG ANO, NAKA SMILE LANG LAGI?

"HINDI KO NA KAYA."

a screenshot of a cell phone © Provided by PEP.ph

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon