You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Ai-Ai delas Alas's adoptive mother passes away

PEP.ph logo PEP.ph 3 days ago Jojo Gabinete
© Provided by PEP.ph

Pumanaw ang adoptive mother ni Ai-Ai delas Alas na si Justa delas Alas, sa edad na 93, ngayong Huwebes ng hapon, June 23, 2022.

Binawian ng buhay ang kinikilalang ina ni Ai-Ai dalawang araw matapos bumiyahe ang Comedy Queen sa Amerika noong Martes, June 21.

Sanggol pa lamang si Ai-Ai nang ampunin siya ni Justa, na isang engineer at dalaga dahil hindi nagkaroon ng asawa o sariling pamilya.

Si Justa ay kapatid ng biological father ni Ai-Ai. Siya ang nagpalaki, nag-alaga, at nagpaaral sa Comedy Queen hanggang pumasok si Ai-Ai sa showbiz at nagkaroon ng successful showbiz career.

Kahit hindi si Justa ang kanyang tunay na ina, minana ni Ai-Ai ang pagiging matapang at matatag ng adoptive mother niya.

Plano ni Ai-Ai na umuwi sa Pilipinas, mula sa Amerika, susunod na buwan para sa 94th birthday ni Justa sa July, pero napaaga ang pagdating niya noong nakaraang linggo dahil sa kanyang commitment sa Japan.

Blessing in disguise ang pag-uwi ni Ai-Ai dahil naabutan pa nitong buhay ang kanyang ina.

"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi nahirapan ang nanay ko nang umalis siya," sabi ni Ai-Ai nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Huwebes ng gabi.

"Thankful din ako dahil napagsilbihan ko siya bago namatay. Bago ako umalis noong Martes, nagpaalam ako sa kanya. Sabi ko, 'I love you, I love you.'

"Pabulong ang sagot niya sa akin ng 'I don’t love you' dahil palagi niya akong binibiro."

Malungkot na malungkot at iyak nang iyak si Ai-Ai dahil sa nangyari.

Naglabas din si Ai-Ai ng saloobin tungkol sa pagkawala ng kanyang ina sa pamamagitan ng isang Instagram post.

"Mami-miss kita MAMA, MOMMY, MOTHER GOOSE, MUDRAKELS, and originally INAY.. 90th b-day n’ya to .. hindi na niya inabot sa July 19 dapat 94 na s’ya..

"di bale mama goodlife ka naman atsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo (the best ka talaga LORD super pray ako kanina na ‘wag ka mahirapan and hindi nga)..

"I love you and thank you sa pagmamahal, pag-alaga, at pagpapaaral sa akin. Rest ka na mama .. kamusta mo ako kay LORD AND MAMA MARY," caption ni Ai-Ai sa video ng 90th birthday celebration ng kanyang ina noong July 2018.

Ibuburol ang mga labi ng ina ni Ai-Ai sa St. Peter Chapel sa Commonwealth, Quezon City, simula bukas, Biyernes, June 24.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon