You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Nakaw daw ng mga bag, wallet at ID bumara sa kanal sa Batangas City

GMA News Online logo GMA News Online 10/19/2018 Bordadora, Norman
bags and wallets © Provided by GMA News Online bags and wallets

Nagbara ang isang kanal sa Padre Burgos Street sa Batangas City dahil sa mga itinapong bag, wallet at iba pang mga personal na kagamitang pinaniniwalaang ninakaw sa kanilang mga may-ari.

Ayon sa ulat ni Lei Alviz sa "24 Oras", wala nang lamang pera ang mga bag at wallet pero samu't saring mga ID at ATM cards din ang nakuha ng mga trabahador ng Department of Public Works and Highways nang linisin ang baradong kanal.

Karamihan umano sa mga may-ari ng ID, mga estudyante at mga babae.

Kutob ni Youscooper Domav Panganiban, mga mandurukot ang nagtapon ng mga naturang kagamitan sa kanal.

"Malamang dinukot 'yun at 'dun lang itinapon sa mga kanal kasi usually ganun ang kalimitang ginagawa ng mga nandudukot eh," sabi ni Panganiban.

Ayon naman sa Batangas City Police, posibleng matagal nang nangyari ang mga insidente ng pagnanakaw dahil 2015 at 2016 pa ang taon na nakalagay sa mga nakuhang ID.

Maaaring sa ibang lugar rin daw nangyari ang pandurukot at naipon lang sa naturang kanal ang mga gamit.

Ipinost na ng Batangas City Police sa kanilang Facebook account ang listahan ng mga may-ari ng natagpuang ID at ATM cards.

Para sa mga kukuha nito, mangyari lamang daw na bumisita sa kanilang istasyon o tumawag sa kanilang hotlines sa (043) 723-2030 at 0999-694-6805. —Dona Magsino/NB, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon