You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Security guard inaresto dahil sa reklamong child abuse

GMA News Online logo GMA News Online 5/16/2018 Galarpe, Karen
Crime Handcuffs Police 01 Thumbnail Generic news-crime © Provided by GMA News Online Crime Handcuffs Police 01 Thumbnail Generic news-crime

Isang security guard ang inaresto ng mga otoridad sa Quezon City matapos magreklamo ng child abuse ang mga magulang ng isang menor de edad, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nadakip si Joseph Tomenden, 48 taong gulang at taga-Barangay Payatas, na umano'y minomolestiya ang isang 14-taong gulang na dalagitang may attention deficit hyperactivity disorder.

Ayon sa Women and Children's Desk ng Quezon City Police District Station 6, nag-text ang suspek sa biktima at nag-aayang makipagtalik.

Isinumbong ng biktima ang suspek sa kanyang mga magulang, na humingi naman ng tulong sa barangay.

Ayon kay barangay tanod Alphy Cabaldez, inaaya raw ng suspek ang biktima na makipagtalik at kung hindi papayag ay papatayin umano ang isa sa mga kaanak nito.

Sabi naman ng suspek ay may relasyon silang dalawa ng menor de edad. Halik lang daw ang kaniyang ginagawa kapag sila ay magkasama.

Itinanggi rin ng suspek na nagbanta siyang sasaktan ang sinoman sa kaanak ng biktima.

Nahaharap ang suspek sa reklamong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law. —KG, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon