You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Bohol, inulan ng butil ng yelo o hailstorm

GMA News Online logo GMA News Online 8/26/2018 Merueñas, Mark
PROVINCE- Bohol © Provided by GMA News Online PROVINCE- Bohol

Ikinagulat ng mga residente ang hailstorm o pagbagsak ng mga butil ng yelo sa Pilar, Bohol, na nangyari kasabay ng pag-ulan.

Sa ulat sa GMA News "Balitanghali Weekend" nitong Sabado, sinabing ito ang unang beses na umulan ng yelong singlaki ng butil ng mais sa lugar.

Tumagal ang hailstorm ng limang minuto, samantalang umulan naman ng 20 minuto.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Ayon sa PAGASA, karaniwang nabubuo ang hail o butil ng yelo sa loob ng malamig na thunderstorm clouds, at hindi agad natutunaw dahil nasa mataas na lugar ang pagbabagsakan o kapag nasa mababang lugar ang thunderstorm cloud. — Jamil Santos/MDM, GMA News

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon