You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Alden Richards, nanawagan sa patas na pagtrato sa mga Aspin

GMA News Online logo GMA News Online 16/08/2022
Alden Richards with Aspin Alden Richards with Aspin

Nanawagan si Alden Richards para sa patas na pagtrato sa mga Asong Pinoy o Aspin, bilang bahagi ng "I Love My Aspin" campaign ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

"Kapag may breed 'yung aso galing sa ganitong bansa, kailangan ipadala sa vet, etc. Bakit hindi rin pwede sa Aspin 'yon? Bakit 'pag Aspin, laging ipapakain natin 'yung leftover food, 'yung tira, 'yung puwede na lang? Tapos itatali natin, ikukulong natin?" sabi ni Alden sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

"What I'm really trying to say is for us to give fair treatment to these dogs. Kasi at the end of the day lahat naman sila aso eh," dagdag pa ni Alden.

Sa pictorial ni Alden para sa campaign, ibinida niya ang kaniyang pitong taong gulang na Aspin na si Chichi.

Isa si Chichi sa limang fur babies ni Alden, at nag-iisang Aspin.

Clingy na si Chichi kay Alden mula noong tuta pa lamang ito.

"'Yung family talaga namin, from my mom to my dad to all my siblings up to our relatives, lahat kami dog lovers so growing up, exposed kami sa mga aso talaga," sabi ni Alden.

"Marami kaming Aspin noong mga bata kami. So kasama na talaga namin sila growing up," dagdag ng Asia's Multimedia Star.

Kasama ni Alden sa "I Love my Aspin" campaign si Heart Evangelista para maisulong ang pag-aalaga sa mga Asong Pinoy.—Jamil Santos/AOL, GMA News

This article Alden Richards, nanawagan sa patas na pagtrato sa mga Aspin was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon