You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink'

Kami logo Kami 26/04/2022 Marisse Gulferica

- Nirerespeto umano ng magkasintahang sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ang pananaw nila sa pulitika

- Ito ay dahil sa magkaiba umano ang sinusuportahang pangulo ng dalawa

- Hayagan ang pagiging 'kakampink' ni Andrea na nakiisa na sa campaign rally noon April 23 habang si Ricci ay supporter ng BBM-Sara tandem

- Ayon kay Andrea, naniniwala siyang makukumbinsi ang nobyo na magbago ang isip sa pagpili ng ibobotong pangulo para sa darating eleksyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Respeto ang nangingibabaw kina Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa kabila ng pagkakaiba nila ng sinusuportahang pangulo para sa darating na eleksyon sa Mayo.

Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink' (Ogie Diaz Showbiz Update) Source: Facebook © Provided by Kami Andrea Brillantes, naniniwalang makukumbinsi rin si Ricci Rivero na maging 'Kakampink' (Ogie Diaz Showbiz Update) Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagkakadebate minsan ang magkasintahan tungkol sa kani-kanilang presidente subalit hindi naman nauuwi sa pagtatalo.

Ayon sa Showbiz Update ni Ogie Diaz kung saan nakapanayam nila si Andrea, naikwento ng aktres ang sitwasyon nilang magkasintahan pagdating sa pananaw nila sa pulitika.

"Nirerespeto namin ang isa't isa. Nirerespeto niya ako. At hindi siya 'yung nanlalait. Walang ganun sa amin. Nagde-debate kami pero magiging okay din naman ang usapan namin. Kasi in the end, may respeto kami sa isa't isa," ayon mismo kay Andrea.

Naniniwala rin umano si Andrea na balang araw, makukumbinsi rin niya ang nobyo na sumuporta na umano sa 'Leni-Kiko tandem.'

"Ang sinasabi ko lang, 'in the future tatanggalin mo na 'yung "you" sasabihin mo rin 'I support Leni'"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Anndrew Blythe Daguio Gorostiza o mas kilala bilang si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress. Nakilala siya karakter na 'Annaliza' at bilang 'Marga Bartolome' sa Kadenang Ginto.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang pabulaanan niya ang umano'y naibalitan ng Entertainment reporter na si Ogie Diaz ukol sa panunugod umano ni Andrea sa dressing room ni Francine Diaz.

Nang magkita sila ni Andrea sa Kakampink rally noong April 23, nagkausap at nakaliwanagan ang dalawa. Nilinaw na walang galit umano ang aktres sa reporter na sa kabila ng nabanggit nito sa kanyang live na muntik na niyang kasuhan ang umano'y nagpakalat ng sinasabing panunugod niya sa kapwa 'Kadenang Ginto' Star.

More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon