You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Anthony Taberna, Gerry Baja DZMM program off the air after 17 years; Arnold Clavio expresses support

PEP.ph logo PEP.ph 8/1/2020 Arniel C. Serato

Pagkatapos ng labimpitong taon at tatlong buwan sa ere, nagpaalam na ang commentary program ng DZMM na Dos Por Dos.

Ang sabi ng anchor na si Anthony Taberna bago nagtapos ang kanilang programa kahapon, Biyernes, July 31, "Kami po ay nagpapaalam na sa tunay na kahulugan."

Ang sabi naman ng isa pang anchor na si Gerry Baja, "Ang Dos Por Dos po ay titigil na sa pagsasahimpapawid.

"Dos Por Dos is signing off. Maraming Salamat po."

Lubos ding nagpasamalat ang dalawa sa ABS-CBN management na nagbigay sa kanila ng oportunidad.

Inalala ni Taberna na nagsimula sila ni Baja sa 30-minute airtime. Makalipas ng ilang taon, naging panghapon ang kanilang programa at ginawang isa at kalahating oras.

Samantala, ang ginamit daw na mga salita sa memo ng ABS-CBN management ay "financial constraints."

Pag-quote ni Taberna sa isang linya ng memo: "There are circumstances that are beyond our control."

At ang tinutukoy ay ang pagkaka-deny ng Kongreso noong June 30, 2020, ng prangkisa ng ABS-CBN, pati na rin ang halos dalawang buwang pagtigil ng operations ng network dahil sa Cease and Desist Order ng National Telecommunications Commission noong May 5. 

"MUSICIANS DON’T RETIRE…"

Sa Instagram feed ni Taberna, nangako itong hindi mawawala ang tinig na sinundan ng sambayanan.

"Sabi nila, Musicians don’t retire, they just stop when there’s no more music in them.

"Hindi man po kami musikero kahit ang tawag sa amin ay Kumbachero, naniniwala po ako na ang mga tinig na inyong pinakinggan simula pa noong mahigit 17 taon ang nakakaraan, ay nananatiling malakas, malinaw at puno ng buhay.

"Habang may Pilipino na naghahanap po ng ngiti sa gitna ng pagsubok, pansamantalang kasiyahan sa kabila ng kagutuman at kalinawan sa mga isyu ng bayan, ay hindi mawawala ang mga tinig na inyong minahal at sinubaybayan.

"Ang Dos por Dos ay higit po sa isang programang pang hapon.

"Ito ang tinig ng dalawang ordinaryong mamamayang gaya ninyo, na kahit nadadapa ay mabilis na bumabangon, na tamaan man ng dagok ng buhay ay nananatiling matibay, baon ang paniniwala na hindi ang sandaling ito ang katapusan.

"Hanggang sa muli, kahit saan, para sa inyo. Nagmamahal,

"Ang inyong mga Kumbachero, Anthony Taberna, Gerry Baja #dospordosangpagtatapos #dospordosanghulingepisode @itsmegerryb"

View this post on Instagram

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28) on Jul 31, 2020 at 4:00am PDT

Sa isa pa niyang post sa Instagram, sinabi ni Taberna na hindi naman daw ito tuwirang pamamaalam. Magtatagpo silang muli ng mga tagapakinig.

Lahad niya, "DosPorDos: Ang Pagtatapos

"Nakakalungkot man na ang aming tinig, sa himpapawid ay di na muna mapapakinggan subalit kami’y umaasa na ang tinig na ito ay inyong susundan saan man mapadpad ng kapalaran.

"Hanggang sa muli!   #DosporDos #DospordosAngPagtatapos #Finale #uwianna #itsnotgoodbye #itsseeyoulater #Salamat #SalamatditoKimFajardo @itsmegerryb"

March 1997 nagsimula si Taberna sa DZMM.

View this post on Instagram

A post shared by Anthony T. Taberna (@iamtunying28) on Jul 31, 2020 at 1:23am PDT

Nagkomento naman dito ang batikang GMA at DZBB radio at television anchor na si Arnold Clavio.

Sabi niya: "Trust in the Lord."

a close up of a logo © Provided by PEP.ph

"OFFICIALLY SIGNING OFF"

May dalawang maikling post naman si Baja sa kanyang Instagram.

Emosyunal din ito dahil namaalam na rin sa ere ang isa pa niyang programa sa DZMM, ang Garantisadong Balita, na napapakinggan tuwing madaling araw.

Sabi niya sa kanyang post sa Instagram, "Will surely miss this place."

View this post on Instagram

A post shared by Gerry Baja (@itsmegerryb) on Jul 30, 2020 at 3:17am PDT

Ayon pa sa isa niyang post, "GB officially signing off!"

More than 25 years na si Gerry sa DZMM, ang istasyong sinalihan niya noong October 1994 bilang news writer.

Nagpaabot din ng suporta si Arnold kay Gerry. 

Sabi niya sa kanyang komento, "May mas magandang plano ang Diyos..."

a close up of a logo © Provided by PEP.ph

Sa mga lumabas na balita, lagpas na sa 5000 ang bilang ng mga empleyado at talents na na-retrench sa kumpanya mula nang pinagkaitan ito ng prangkisa sa ilalim ng Duterte administration. 

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon