You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Guest, nag-propose sa kaniyang foreign girlfriend sa ‘Bawal Judgmental’

GMA News Online logo GMA News Online 25/04/2022
eat bulaga eat bulaga

Mula sa pagiging classmate, bussiness partner, at lovers, ni-level-up pa ni Gerald ang relasyon nila ng kaniyang foreign girlfriend na si Vita.

Kabilang si Gerald na naging guest sa segment na "Bawal Judgmental" ng "Eat Bulaga." Doon na rin ipinakilala ni Gerald ang kaniyang nobya na si Vita.

Napag-alaman na unang nagkakilala ang dalawa sa Paris. Ngayon, mahigit walong taon na silang magkarelasyon.

Inilarawan ni Gerald, na match sila ni Vita at nagkakasundo sila sa halos lahat ng bagay.

Sinabi naman ni Vita na madali silang nagkasundo ni Gerald. Hindi rin naging mahirap na kilalanin ang kani-kanilang mga pamilya kahit pa magkaiba sila ng bansa.

Nang tanungin ng EB dabarkads si Gerald kung gaano niya kamahal si Vita, lumabas ng booth ang binata at lumapit kay Vita para isagawa ang kanilang sorpresang proposal sa nobya.

Tunghayan ang nakatutuwa at nakakikilig na tagpo na sinabi ni Gerald na may basbas ng EB dabarkads na may pa-confetti pa. Panoorin ang video.--FRJ, GMA News

This article Guest, nag-propose sa kaniyang foreign girlfriend sa ‘Bawal Judgmental’ was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon