You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

P50k jackpot sa 'Pinoy Henyo!,' nakuha nang wala pang isang minuto

GMA News Online logo GMA News Online 26/01/2023
pinoy henyo pinoy henyo

For the record ang nagawa ng isang magkaibigan na naglaro sa Pinoy Henyo ng "Eat Bulaga" matapos nilang masagot ang tatlong pinapahulaang salita nang wala pang isang minuto.

Bumilib ang mga dabarkads maging si Jose Manalo sa ipinakitang husay ng magkaibigang Ian Santos at Rim Mendoza na mula sa Sampaloc.

Sa elimination round pa lang, nagpakitang gilas na ang dalawa nang masagot ni Ian ang pinapahulaang salita na "hipon" sa loob lang ng mahigit 18 segundo.

Isa rin ito sa mga pinakamabilis na nasagot sa Pinoy Henyo. (WATCH: Record nina Jose at Wally na 22 seconds, nabasag ng  9 seconds ng brgy. officials)

Dahil dito, sina Ian at Rim na ang naglaro sa jackpot round kung saan salitan nilang huhulaan ang tatlong salita sa loob ng tatlong minuto para manalo ng P50,000.

Unang humula si Rim at nasagot niya ang unang salita na "bibe" sa loob lang ng 13 segundo. Nang si Ian naman ang humula, nasagot niya ang "pechay" habang 2:24 minuto pa ang natitira sa kanilang oras.

Nang bumalik si Rim sa paghula, nasagot niya ang "chair," sa official time na 2:07, o pagsagot sa tatlong salita sa loob lang ng 53 segundo.

Ayon sa magkaibigan, na nanalo ng kabuuang P65,000, praktisado sila dahil laging silang magkapartner kapag naglalaro o sumasali ng party na may palarong Pinoy Henyo.

"Malahaga yung connection," sabi ni Ian.

Biro ni Jose sa dalawa, "Kaya puwede na kayong magsama talaga eh." --FRJ, GMA Integrated News

This article P50k jackpot sa 'Pinoy Henyo!,' nakuha nang wala pang isang minuto was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon