You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Rocco Nacino at Melissa Gohing, boy ang magiging first baby

GMA News Online logo GMA News Online 14/06/2022
rocco and melissa rocco and melissa

Inanunsyo nina Rocco Nacino at Melissa Gohing na baby boy ang kanilang magiging panganay na anak.

Ito ang ibinahagi ni Rocco sa kaniyang Instagram, kung saan nag-post siya ng video nila ni Melissa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay para sa gender reveal na ginanap sa kanilang tahanan.

"We're having a baby BOY!!!! So grateful to have our friends and family with us as we were surprised by our siblings last weekend!! Galing ng prank @_kayoool !!!" caption ni Rocco.

"A new terror is coming to the house!," biro pa ng Kapuso actor.

 

 

Nagbahagi naman si Melissa ng mga larawan mula sa baby shower.

"Boy oh boy! We are overwhelmed with joy! ???? Tanggap ko na mini me mo ito @nacinorocco ????"

"Getting rid of my heels to chase this wild little boy. Mana sayo! Haha!" biro pa ni Melissa tungkol sa magiging anak nila ni Rocco.

 

 

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing hati sina Rocco at Melissa sa kanilang mga hula tungkol sa kasarian ng kanilang baby.

"Team girl" si Rocco samantalang "Team boy" si Melissa.

Pinangunahan ng kanilang mga kapatid ang surprise gender reveal.

Ikinasal sina Rocco at Melissa Enero noong nakaraang taon, at inanunsyo nila ang pagbubuntis ni Melissa nitong Mayo.--Jamil Santos/FRJ, GMA News

   

This article Rocco Nacino at Melissa Gohing, boy ang magiging first baby was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon