You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Sunshine Cruz, proud sa kaniyang edad matapos tawaging 'lola' ng basher

GMA News Online logo GMA News Online 06/04/2022
Photo: Sunshine Cruz/Facebook Photo: Sunshine Cruz/Facebook

Pangaral ang inabot kay Sunshine Cruz ng basher na tumawag sa kaniyang lola. Ang aktres, sinabing hindi niya ikinakahiya at proud siya sa kaniyang edad.

Sa kaniyang Facebook page, ipinost ni Sunshine ang screenshot sa komentong iniwan ng kaniya ng basher na nagsasaad na, "Lola yung buto mo ingat ingat din baka mabalian ka."

Saad ng aktres sa caption niya sa kaniyang post, "Guys! Hello! Paalala lang po and to educate others sa maling pag-iisip about ageing."

"Being a lola or having the privilege to age is a blessing denied to many," saad pa niya. "Huwag natin gawing ugali at gamitin ang salitang 'matanda' to hurt, insult or describe a person negatively."

Ayon kay Sunshine, proud siya sa kaniyang edad na 44, at siya ay "healthy and happy."

Related Facebook post

Shared from Facebook

"Ang mahalaga ay meron tayong pinagkatandaan. At higit sa lahat wala po tayong tinatapakan at sinasaktan just because nadadagdagan ang ating edad. Stay safe and healthy everyone," aniya.

Sabi pa ni Sunshine sa basher, "I’d rather be a lola than be you. Kumain ka para magkaroon ng nutrition ang katawan at pag-iisip mo. You look frail and hungry. Take care and stay healthy."

—FRJ, GMA News

This article Sunshine Cruz, proud sa kaniyang edad matapos tawaging 'lola' ng basher was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon