You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Usec. Densing, inaming si VP ang tinutukoy sa viral statement: "Lugaw si Leni"

Kami logo Kami 01/04/2021 Annie Symone
Leni Robredo smiling for the camera: Usec. Densing, inaming si VP ang tinutukoy sa viral statement: "Lugaw si Leni" © Provided by Kami Usec. Densing, inaming si VP ang tinutukoy sa viral statement: "Lugaw si Leni"

-Tahasang inamin ni DILG Undersecretary na si Vice President Leni Robredo ang tinutukoy niyang "Lugaw" sa kanyang viral statement

-Kamakailan lang nang kumalat ang tungkol sa naging pahayag ni Densing sa viral na Lugaw issue

-Dito, sinabi niyang tama ang sinabi ng tanod sa isang viral video na "hindi essential si Lugaw"

-Agad naman itong sinagot ng kampo ni Robredo at tinawag ang opisyal na pabigat sa bansa sa laban konta-COVID-19

Tahasang inamin ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III na si Vice President Leni Robredo ang "Lugaw" na tinutukoy niya sa kanyang nag-viral na statement.

"Yes. Lugaw si Leni," ani Densing sa isang report ng Manila Bulletin.

"She has been a non-essential in this fight against COVID (coronavirus disease). Unfounded comments on IATF (Inter-Agency Task Force)," dagdag pa ng opisyal.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Robredo laban sa gobyerno, partikular sa IATF, na hindi muna umano kumonsulta sa mga local government units (LGUs) bago nagpatupad ng quarantine protocols.

Pero ayon kay Densing, kinonsulta nila ang mga LGU bago magpatupad nito.

"Before these protocols were issued, the LGUs and mayors were consulted," anito.

Ang viral na statement ni Densing kaugnay pa rin ng kumalat na video sa social media kung saan isang Grab food rider ang hinarang ng ilang tanod sa Bulacan. Isa sa mga ito ay sinabing hindi raw essential ang lugaw.

Sa isang panayam ng Sa Totoo Lang, sinabi ni Densing na:

"Tama ho 'yun. Tama. Tama 'yung sinabi niya [tanod]. Sabi niya kasi, "non-essential si Lugaw", o talagang ano, hindi talaga essential si Lugaw. Pero kung sinabi niya, essential ang lugaw, 'yon tama 'yun. "ang lugaw". Pero "si Lugaw" ang binanggit niya eh. Non-essential talaga 'yon sa pananaw namin."

Bagamat hindi nito binanggit si Robredo sa pahayag na ito, maraming Pinoy netizens ang nagsabing ang bise nga ang tinutukoy ni Densing.

Agad naman itong sinagot ng kampo ni Robredo at tinawag ang opisyal na pabigat sa bansa sa laban konta-COVID-19, batay sa report ng ABS-CBN News.

"With cases rising, hospitals full, & millions struggling, instead of doing real work he makes 'jokes,' plays politics, & bashes someone who's actually doing the job they're supposed to," ayon kay Barry Gutierrez, spokeperson ng Vice President.

"Di lang ito 'non-essential.' Ito ay pabigat," patutsada pa ni Gutierrez.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon