You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Vince Flores, diretsahang sinabihan si Rob Moya na wala na itong babalikan

Kami logo Kami 06/03/2022 Glory Mae Monserate

- Sa isang post ni Rob Moya, tila may pahiwatig ito na may gusto siyang balikan

- Gayunpaman, wala itong binabanggit na pangalan ngunit marami sa mga netizens ang nagbanggit ng pangalan ng dating karelasyon nI Rob na si Toni Fowler

- Hindi naman ito pinalampas ni Vince Flores at sinagot niya ito na wala na daw siyang babalikan

- Si Vince ang hayagang nanunuyo at nanliligaw sa YouTuber na si Toni Fowler pagkatapos ng paghihiwalay nina Rob at Toni

Diretsahang sinagot ni Vince Flores ang tila parinig ni Rob moya tungkol sa kagustuhan niyang balikan ang isang di pinapangalanang tao. Hindi man nagbanggit ng pangalan, marami sa mga netizens ang nagbanggit sa pangalan ni Toni Fowler sa comment section ng post na iyon ni Rob.

a man in a cage: Tito Vince Flores (@titovinceflores) Source: Instagram © Provided by Kami Tito Vince Flores (@titovinceflores) Source: Instagram

Hindi naman ito pinalampas ni Vince Flores at sinagot niya ito na wala na daw siyang babalikan. Matatandaang matapos ang apghihiwaly nina Rob at Toni, si Vince ang hayagang nagpakita ng interes na manligaw kay Toni.

Gayunpaman, hindi kaagad pumayag na magpaligaw si Toni base na rin sa kanilang inilalabs na mga video sa kanilang Youtube channel. Sa isa pang vlog ay tuluyan nang pumayag na magpaligaw umano si Toni ngunit wala silang nilabas na kumpirmasyon kung sila na nga ba ay magkarelasyon.

Palaging kasama ni Toni si Vince lalo at magkasama sila sa bahay kasama ang ilan pang mga bahagi ng ToRo family kung saan dating bahagi din si Rob bago ito tuluyang umalis nang maghiwalay sila ni Toni.

Hindi din naging madali ang kanilang paghihiwalay. Umabot sila sa programa ni Raffy Tulfo mataos ireklamo ni Toni ang sasakyan na hindi naibalik sa kanya ni Rob. Kabilang din ang pera umano ni Tyronia sa nagastos ni Rob. Kinalaunan ay nagkaayos din sila.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa heganteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon