You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Alexa Miro, Sandro Marcos spotted in Singapore for F1 Grand Prix

PEP.ph logo PEP.ph 03/10/2022 Rachelle Siazon
© Provided by PEP.ph

Confirmed ang pagiging malapit sa isa't isa nina Alexa Miro at Sandro Marcos

Si Alexa ay newbie actress na kilala sa sexy movie na A Girl And A Guy na dinirek ni Erik Matti

Si Sandro ay presidential son at nagsisilbing Ilocos Norte first district representative. 

Spotted sina Alexa at Sandro na nag-e-enjoy sa kanilang pagdalo sa Singapore F1 Grand Prix noong Sabado, October 1, 2022. 

Ginanap ang F1 race at concert event sa Marina Bay Street Circuit sa Singapore

Sa picture na inilathala ng official website ng Singapore Grand Prix, makikitang nasa VIP area ang dalawa na umiinom ng drinks habang masayang nakikipagkuwentuhan sa kanilang kausap.

Ang main acts para sa concert noong Sabado ay Westlife, Black Eyed Peas, Suede, at TLC.

ALEXA AND SANDRO'S "SECRET ROMANCE"? 

Hindi ito ang unang pagkakataong nasilayang magkasama ang dalawa. 

Noong Hulyo ay namataang sina Alexa at Miro kasama ng kanilang common friends sa isang bar. 

Noong oath-taking ni Sandro sa Malacañang noong June 30, 2022 ay nakita si Alexa na dumalo sa pagtitipon. 

Hindi maiwasang maugnay sa isa't isa ang dalawa, lalo na nang aksidenteng nabuking ni Lani Mercado si Sandro tungkol sa secret relationship nito.

Nakunan kasi ng video ang conversation nina Lani at Sandro nang magkita sila sa inauguration ni Vice President Sara Duterte sa Davao noong June 19, 2022. 

Si Lani ay representative ng Bacoor, Cavite.

Nanuksong sinabi ni Lani na "taga-Bacoor" ang girlfriend ni Sandro—bagay na kinumpirma naman ng binatang kongresista. 

Sabay pakiusap ni Sandro kay Lani, "But atin-atin lang iyan, ha."

"Yes, Sir," sagot ni Lani. 

Si Alexa Miro ay kilalang taga-Bacoor, Cavite, kaya mabilis na naugnay ng netizens ang aktres kay Sandro. 

ALEXA AND SANDRO ON RUMORS ABOUT THEM 

Pero hindi umaamin sina Alexa at Sandro na magkasintahan sila. 

Sa panayam ng PEP.ph kay Alexa noong September 21, 2022, sinabi niya na malapit na magkaibigan lamang sila ni Sandro. 

"Ganun pa rin naman, super, super close kami. Nagkakapalagayan ng loob, may tiwala sa isa't isa.

"The same lang sa halos lahat ng magkakaibigan, halos parang girl best friend na niya ako," saad ni Alexa hinggil sa real score sa pagitan nila ni Sandro. 

Hindi naman niya itinanggi na na-meet na niya ang pamilya ni Sandro, at inilarawan niyang "very warm at very welcoming" ang First Family sa kanya at sa ibang nakakasalamuha raw ng mga ito. 

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon