You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Eva Castillo, Regine Velasquez's former rival, dies at 52

PEP.ph logo PEP.ph 23/03/2022 Jojo Gabinete
© Provided by PEP.ph

Pumanaw na ang singer na si Minerva "Eva" Castillo dahil sa matagal na niyang kidney illness, nitong Martes, March 22, 2022.

Binawian ng buhay si Eva sa Jose Reyes Memorial Medical Center. Siya ay 52 taong gulang.

Kinumpirma ng anak ni Eva na si Reina Castillo Largo ang malungkot na balita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Miyerkules, March 23.

Nakaburol ang bangkay ni Eva sa tahanan nila sa Pilapil St., Tondo, Manila.

Hinihintay pa ang pagdating ng dalawang anak ni Eva mula sa Australia kaya hindi pa nagdedesisyon ang pamilya niya sa araw ng kanyang libing.

Ipinanganak noong December 29, 1969, kilala si Eva bilang mahusay na singer. Madalas siyang nananalo sa mga amateur singing competition na sinasalihan niya noong kanyang kabataan.

Si Regine Velasquez ang isa sa mga madalas na nakakalaban noon ni Eva sa mga singing contest, at aminado ang Asia’s Songbird na kinakabahan siya kapag ang singer mula sa Tondo ang kanyang katunggali dahil magaling ito.

Si Eva ang tumalo kay Regine sa mga singing competition na kanilang nilahukan noon.

Read: Eva Castillo reveals that watching Regine Velasquez used to cause her pain

Nagkaroon ng brief career sa show business si Eva nang ipahanap siya ng GMA Network Inc. dahil nabanggit ni Regine ang kanyang pangalan sa Regine: Roots to Riches, ang docu-musical na ipinalabas sa telebisyon noong May 24, 2009.

Mula noon, nagkasunud-sunod na ang mga TV guesting ni Eva sa Kapuso Network.

Ngunit bigla ring naglaho sa limelight si Eva.

Noong 2014 ay na-diagnose si Eva na may tumor sa kidney, na naging dahilan kaya hindi na siya nakapagtrabaho.

Hanggang sa noong 2017 ay sumali siya sa "Tawag ng Tanghalan," ang singing contest ng ABS-CBN noontime program na It's Showtime.

eva castillo © Provided by PEP.ph eva castillo

Ang GMA-7 resident director na si Louie Ignacio ang isa sa mga tumulong kay Eva  hanggang sa huling sandali ng buhay niya.

"Nakakalungkot, namatay na siya. Marami akong memories sa kanya. Nakapag-perform siya sa mga show ng GMA-7 at mga TV special.

"Mabait si Eva at magaling talagang kumanta. Yun nga lang, masasakitin siya," pahayag ni Doirek Louie sa mensaheng ipinadala niya sa PEP.ph tungkol sa pumanaw na singer.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon