You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Karen Davila on presidential interviews with journalists: "Mas mahirap po magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag."

PEP.ph logo PEP.ph 23/01/2022 James Patrick Anarcon
© Provided by PEP.ph

Ayon sa ABS-CBN News anchor na si Karen Davila, mahalagang makisali sa mga interview sa mga mamahayag ang sinumang kumakandidato sa pagka-Presidente.

Dito kasi mas nakikilala ng mga botante ang karakter at kakayahan ng mga presidentiables, na siyang makakatulong sa pagpili nila sa darating na eleksyon.

Ito ang dahilan kung bakit hinangaan ni Karen ang multi-awarded GMA-7 News pillar na si Jessica Soho dahil nagawa niya ito sa apat na kandidatong humarap kagabi sa The Jessica Soho Presidential Interviews.

Ang apat na kandidatong humarap kay Jessica sa taped interview na ipinalabas kagabi, January 22, ay sina Senator Panfilo "Ping" Lacson, Manila City Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo.

Dito ay tinanong ni Jessica ang apat na presidentiables tungkol sa kanilang mga plataporma, pananaw sa mga problemang pambansa, at mga isyung ipinupukol sa kanila.

Kasama rin sana sa inimbitahan ng GMA-7 para sa programa ay si Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr, subalit tumanggi ito sa imbitasyon.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, chief of staff at spokesman ni Bongbong Marcos, tumangging magpainterbyu ang presidential aspirant dahil "biased against Marcoses" si Jessica Soho.

Nakasaad din sa statement na hindi raw sa "mere appearance on a show" masusukat ang kakayahan ng isang lider.

Sinagot naman ito ng GMA-7 sa pamamagitan ng isang statement kung saan ipinagtanggol nila si Jessica.

Tungkol naman sa special, sinabi ng network na tatanungin dito ang mga "questions that need to be asked."

Sa tweet naman ni Karen ngayong araw, January 23, ipinahayag niya ang kanyang paghanga kay Jessica habang binabasa ang mga interbyu sa Inquirer.

Ini-stress din ni Karen ang kahalagahan ng pagpapa-interview ng mga presidentiables upang mas makilala sila ng mga botante.

Saad ni Karen sa kanyang tweet, "Reading Jessica Soho’s Pres Intrvws via @inquirerdotnet. KUDOS Maam Jess!

"The questions centered on revealing the true character of the candidate. Kaya po mahalaga na mag-pa interview sa mga mamamahayag.

"Mas mahirap po magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag [Philippine flag].

Sa sumunod pang tweet ni Karen, binigyang-diin niya na iba-iba ang estilo ng bawat mamamahayag sa pag-iinterbyu, na siyang nakakatulong din sa pagpili ng mga botante.

Patuloy ni Karen, "The presidency is not only about competence & vision but also about character. Interviews with journalists help peel the layers for voters to get to know candidates.

"Bawat mamamahayag, may kanya kanyang istilo ng pagtatanong at nakakatulong lahat ito sa pagpili kung sino iboboto.

"I am excited for the @ABSCBNNews Debates & Interviews and I wish all other networks well! Media stands together in calling our candidates into account."

KAREN WAS ONCE ACCUSED of being BIASED

Alam ito ni Karen dahil siya rin mismo ay naaatasang mag-interbyu ng mga pulitiko at kandidato sa kanyang mga programa sa ABS-CBN at ANC.

Binalikan din ni Karen ang pambabatikos sa kanya noong 2016 ng mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing biased siya dahil sa kanyang paraan ng pagtatanong.

Nangyari ang interbyu noong Pilipinas Debates 2016 na programa ng ABS-CBN para sa halalan noong taong iyon.

Patuloy ni Karen, "I remember noong 2016 Presidential debates, we were trolled, bashed & accused for being ‘biased’ for asking then Mayor Duterte certain Qs.

"Kapag binalikan ang mga tanong at sagot, he gave a glimpse of what was to come. That’s why facing the media is critical."

Sa huli, sinabi ni Karen na ginagawa lamang ng mga mamamahayag ang kanilang trabaho at walang personalan ang pagtatanong nila ng "tough questions."

Ani Karen, "Candidates must remember  - when journalists ask ‘tough or hard’ questions, they are doing the public good.

"We don’t go home personally hating a candidate.

"Trabaho lang. The Presidency is no joke. The country & our children’s future is at stake. Have a peaceful Sunday guys!"

Sa darating na linggo, mula January 24 hanggang January 28, haharap naman ang presidentiables sa isang one-on-one interview with Boy Abunda, na ipapalabas sa YouTube channel ni Boy at Kapamilya Channel.

Dito ay inaasahang mapapanood at ma-interview si Bongbong pati ang apat na kandidatong humarap kay Jessica.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon