You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Magnitude 6.7 earthquake wakes Pinoys, celebrities

PEP.ph logo PEP.ph 7/23/2021 Erwin Santiago

Nagising ang maraming Pilipino, maging ang ilang celebrities, dahil sa malakas na lindol na yumanig sa Luzon ngayong Sabado ng umaga, July 24.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagtala ng 6.7 magnitude ang lindol na ang sentro ay sa Calatagan, Batangas kaninang bandang 4:49 a.m.

Ang malakas na lindol ay sinabayan pa ng malakas na pag-ulan, na nagsimula pa kagabi na naging sanhi ng pagbaha sa maramign lugar sa Metro Manila at karatig-probinsiya.

Samantala, kaagad namang nag-trending sa Twitter ang iba't ibang hashtags na may kinalaman sa nangyaring lindol.

graphical user interface, application © Provided by PEP.ph

Ilang celebrities din ang nakisali sa pinag-uusapang topic sa Twitter at nagbahagi ng kanilang naranasan nang lumindol.

Kabilang sa mga nag-react sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Glaiza de Castro, Dimples Romana, Rocco Nacino, Mark Bautista, Rayver Cruz, Pooh, Andre Paras, Gil Cuerva, Jerald Napoles, at Zsa Zsa Padilla.

Narito ang kanilang tweets:

Ang GMA News entertainment reporter na si Aubrey Carampel ay nakunan pa ng video ang pag-alog ng chandelier sa kanilang kuwarto habang lumilindol.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon