You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Miss Universe Philippines 2021 grand coronation to have a live audience

PEP.ph logo PEP.ph 9/28/2021 Nikko Tuazon
© Provided by PEP.ph

Magkakaroon ng live audience ang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2021.

Sa September 30, 2021, ipapasa ni Rabiya Mateo ang kanyang korona sa finale ng Miss Universe Philippines 2021 pageant na gaganapin sa Henann Resort Convention Center sa Panglao, Bohol.

Ngayon araw, September 28, inanunsiyo ng Miss Universe Philippines Organization sa kanilang official Facebook page na pinayagan ang kanilang event na magkaroon ng live audience. 

Ang presyo ng ticket ay PHP10,000. Para sa mga may balak manood, kailangan ding fully vaccinated at may negative RT-PCR result.

Ang buong post: "Be one of the exclusive group of guests who will witness the Miss Universe Philippines 2021 Finals Night at the Henann Resort Alona Beach on September 30, 2021.

"Price: P10,000 Gold

"Must be fully vaccinated and with negative RT-PCR results. Gold ticketholders can arrive at the venue on the finals night."

Related Facebook post

Shared from Facebook

Sa sumunod na post, sinabi ng MUPO na 100 lamang ang available seats para sa grand coronation night.

Dagdag nito sa caption: "The first allowed audience for Miss Universe Philippines! Don't miss the chance to witness the coronation of our new queen live! Book your Gold Tickets now and watch the performances of our phenomenal finalists in the flesh!

"Please contact the MUPH ticketing team to book your tickets: 09985636637, 09178623645"

Related Facebook post

Shared from Facebook

Bukod dito, inanunsiyo rin ng Miss Universe Philippines Organization ang mga performers para sa grand coronation night. 

Si Michael Pangilinan ang haharana sa mga kandidata sa evening gown competition.

Related Facebook post

Shared from Facebook

Habang si Sam Concepcion naman ang kakanta ng Miss Universe Philippines original song para sa swimsuit competition. Matatandaang naging viral din ang kanta ni JM Bales na "Magandang Dilag" matapos ang Miss Universe Philippines 2020 pageant.

Related Facebook post

Shared from Facebook

Mula 100, Top 28 candidates na lang ang naglalaban-laban para sa korona. Noong September 23, ipinakita ang national costumes ng mga kandidata sa isang music video sa YouTube channel ng Empire Philippines.

Noong September 24, nai-live stream sa KTX.ph ang preliminary interviews ng mga kandidata.

Nitong Linggo, September 26, ipinalabas sa parehong video streaming platform ang preliminary swimsuit and evening gown competition na ginanap sa bagong terminal ng Clark International Airport sa Mabalacat, Pampanga.

Sa September 29, 2021, ang huling araw ng online poll sa Lazada App para sa pageant. Ang mananalo rito ay automatic na makakasama sa Top 16 semifinalists.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon