You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Polish vlogger na bumisita sa Pilipinas, na-in love sa Badjao girl

GMA News Online logo GMA News Online 11/04/2022
kmjs kmjs

Kahit hindi mukha ng karangyaan ang tumambad sa Polish vlogger na si Damian nang pumunta siya sa komunidad ng mga Badjao, hindi ito naging hadlang para hindi siya mabighani sa isang babae na dumungaw at nagtanong sa kaniya na, "Where are you going?"

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabing isang chef si Damian na nagtrabaho sa London, United Kingdom. Pagsapit ng 2010, nagretiro na siya at tinupad ang kaniyang pangarap na libutin ang mundo.

Hanggang sa mapunta na siya sa Pilipinas, na kaagad daw nahumaling dahil sa ganda.

“I fell in love from the very beginning when I came to the Philippines. I felt like I landed on another planet,” ani Damian na kabilang sa mga pinuntahan ay ang Cebu, Apo Island sa Negros Oriental, at Pamilacan Island sa Bohol.

.

Nang puntahan niya ang Panglao Island sa Bohol pa rin, isinama siya ng mga kaibigan na pasyalan ang Badjao Village at gumawa siya ng vlog tungkol sa lugar.

“I felt like I could connect with people in that village,” ayon kay Damian, na nagsabing dati rin siyang walang tirahan.

At sa kaniyang pag-iikot sa komunidad, isang babae ang nakatawag ng pansin kay Damian--si Aico, na dumungaw mula sa bahay at tinanong ang dayuhang estranghero na, "Where are you going? What do you do here?"

“I was vlogging. I was holding the camera and recording the surroundings and talking with people and describing the situation then she appeared,” kuwento ng dayuhan.

“When I saw her face for the first time, I just felt like I wanted to stay there and have a conversation with her. I really felt some kind of connection,” patuloy niya.

Ayon naman kay Aico, “Nabigla po rin ako. Handsome po siya. Para po akong na-love at first sight.

Grade 10 ang inabot ni Aico pero nakakapagsalita siya at nakakaunawa ng Ingles kaya naman hindi naging mahirap ang pag-uusap nila ni Damian.

Hanggang sa tanungin na ni Damian si Aico kung maaaring bisitahin siya at makasama.

Kinalaunan, lumalim na ang pagtitinginan ng dalawa. Pero aminado si Aico na may pag-aalinlangan siya dahil baka isipin ng ibang tao na "gold digger" siya sa pakikipagrelasyon kay Damian.

Maging ang mga kaibigan ni Damian, pinapayuhan din siyang layuan si Aico, na isang tindera ng gulay.

Hanggang sa maramdaman ni Badao girl na tila may nagbabago sa pakikitungo sa kaniya ng dayuhang vlogger. Tuluyan kayang masira ang kanilang relasyon at isa lamang itong pagsubok para lalo pang tumatag ang kanilang pag-iibigan?

Panoorin at ma-in love ang buong kuwento sa video ng "KMJS."

--FRJ, GMA News

This article Polish vlogger na bumisita sa Pilipinas, na-in love sa Badjao girl was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon