You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Pumanaw na si dating Batangas Vice Governor Ricky Recto, may anak sa former comedienne na si Jinky Oda

PEP.ph logo PEP.ph 07/12/2022 Jojo Gabinete
© Provided by PEP.ph

Hiniling ng pamilya Recto na bigyan sila ng panahon para sa pribadong pagluluksa matapos pumanaw si former Batangas Vice Governor Ricky Recto.

Binawian ng buhay si Ricky noong December 1, 2022. Pero noong December 5 na natagpuan ang kanyang bangkay.

Siya ay 59.

Bahagi ng opisyal na pahayag ng kanyang nakababatang kapatid na si House Representative Ralph Recto, ang asawa ni Vilma Santos-Recto:

"With sadness, we share the news that our brother Ricky has passed away.

"Words are hard to come by to express the sorrow of losing him but we take comfort in our fond memories of him to overcome the pain we feel.

"We are touched by your kind words and prayers but in the meantime, we ask for the time and space to grieve in private.

"But we do recognize that Ricky had served as a national athlete and as an elected official, so a simple memorial is being discussed, the details of which maybe announced soon."

Natagpuang may tama ng bala sa dibdib ang walang buhay na katawan ng dating bise gobernador ng Batangas sa kanyang tahanan sa Pasig City, Lunes ng gabi, December 5.

Ayon kay P/Brig.General Wilson Asueta ng Eastern Police District, "suicide incident" ang pagkamatay ni Ricky Recto.

Bahagi ng kanyang pahayag, "Na-discover siya kagabi, 6 o’clock… suicide incident at saka we do not want to elaborate it pa." 

Magdiriwang sana ng kanyang ika-60 kaarawan si Ricky sa December 11.

Kabilang sa mga naulila niya ay si Ryckllan Recto, ang kanyang 28-year-old son sa former comedienne na si Jinky Oda na matagal nang naninirahan sa Amerika.

Read: Jinky Oda now working as security personnel in San Francisco, California

Sa interbyu sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong November 2008, inilahad ni Jinky na alam ng anak niyang si Ricky Recto ang ama nito.

"Bata pa lang naman ang anak ko, sinabi ko na kung sino ang daddy niya. Ayokong itago iyon sa kanya.

"Pero okey naman ang anak ko dahil hindi yun nakasira sa pagkatao niya. Lumaki naman siyang maayos at kahit kaming dalawa lang, maganda ang naging buhay namin," saad ng dating comedienne.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon