You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Raffy Tulfo, nagpaalam sa TV5 para tumakbo sa 2022 elections

PEP.ph logo PEP.ph 9/20/2021 Jojo Gabinete
a man wearing a suit and tie © Provided by PEP.ph

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga plano, hanggang sa February 2022 na lamang mapapanood ang mga programa ni Raffy Tulfo sa TV5.

Ito ay dahil sa kanyang balak na pagkandidato para sa eleksyong gaganapin sa May 9, 2022.

Pinatotohanan ng isang insider na nakipag-usap na si Raffy sa TV5 management.

Tatlo ang kasalukuyang programa ni Raffy sa TV5: ang newscast na Frontline Pilipinas at ang mga public service program na Idol in Action at Wanted.

Ayon sa Cabinet Files source, naghahanap o nag-iisip si Raffy ng paraan para manatili sa telebisyon ang isa sa kanyang tatlong programa habang wala siya at abala sa pangangampanya.

Nakasaad sa Omnibus Election Code of the Philippines ang pagbabawal sa mga kandidatong mapanood sa telebisyon kapag nakapaghain na sila ng certificate of candidacy, mula October 1, 2021 hanggang October 8, 2021.

May lumulutang na balitang maaaring si Raffy ang maging bise presidente ni Senator Manny Pacquiao ng PDP-Laban sa presidential bid nito.

May mga nagsasabi ring kakandidatong senador ang popular broadcast journalist.

Pero hindi pa ibinabahagi i Raffy sa publiko ang kanyang mga plano.

ASAP NATIN 'TO GUESTING

Si Raffy ang isa sa mga guest performer sa live telecast ng ASAP Natin ‘To kahapon, September 19.

Kasama sina Nina at Zsa Zsa Padilla, inawit ni Raffy sa kauna-unahan nitong guesting sa ASAP ang "Kung Kailangan Mo Ako."

Para sa kanyang mga supporter, ang "Kung Kailangan Mo Ako" ay isang kantang pahiwatig ng nalalapit na pagsabak niya sa mundo ng pulitika.

Palaban, matapang, at walang kinatatakutan ang public image ni Raffy.

Pero lumitaw sa guesting niya sa ASAP ang kanyang pagiging mahiyain, na hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Zsa Zsa.

"Parang may pagka-shy pala kayo dahil kanina pa kami tumitingin para mag-interact sa inyo," sabi ni Zsa Zsa.

Halata ang kabang nararamdaman ni Raffy habang kumakanta dahil nakatutok lamang ang kanyang mga mata sa lyrics na binabasa niya mula sa teleprompter at parang natatakot siyang magkamali.

Overwhelming para kay Raffy ang guesting nito sa ASAP.

Dahil hindi sanay, nakakatawa ang biglang pagtalikod niya matapos ang interbyu sa kanya nina Zsa Zsa at Gary Valenciano.

Hinabol at tinawag ni Gary na "Idol" si Raffy, na nagmamadaling umalis sa entablado para bumalik sa backstage.

a display in a store © Provided by PEP.ph PHOTO: Screen grab from Kapamilya Channel

Ang ASAP Natin 'To ay napapanood din sa TV5 at A2Z.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon