You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Rumored gf ni John Lloyd Cruz, ibinida ang picture ng aktor sa kanyang Instagram post

Kami logo Kami 12/04/2022 Glory Mae Monserate

- Sa unang pagkakataon ay naibahagi ng rumored girlfriend ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos ang picture ng aktor sa kanyang IG post

- Nauna na rin niyang naibahagi ang mga pictures ng aktor ngunit sa Instagram stories lamang niya

- Sa kanyang ibinahaging Instagram post, makikita ang aktor na may hawak na isang aso at nakalagay sa caption ang mga salitang "bb1, bb2"

- Si Isabel ay isang artist na anak ng contemporary Filipino artists na sina Soler at Mona Santos

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng artist na si Isabel Santos ang picture ng rumored boyfriend niyang si John Lloyd Cruz. Ito ang unang pagkakataon na naibahagi niya sa kanyang IG post ang picture ng aktor.

John Lloyd Cruz attends a photocall for 'The Women Who Left' during the 73rd Venice Film Festival at on September 9, 2016 in Venice, Italy. (Photo by Stefania D'Alessandro/WireImage) Source: Getty Images © Provided by Kami John Lloyd Cruz attends a photocall for 'The Women Who Left' during the 73rd Venice Film Festival at on September 9, 2016 in Venice, Italy. (Photo by Stefania D'Alessandro/WireImage) Source: Getty Images

Sa kanyang ibinahaging Instagram post, makikita ang aktor na may hawak na isang aso at nakalagay sa caption ang mga salitang "bb1, bb2."

Sa mga nauna niyang IG stories, naibahagi niya na rin ang picture ng aktor kasama ang anak ni John Lloyd sa dati nitong karelasyon na si Ellen.

Wala pa ring inilalabas na kompirmasyon o pagtanggi mula sa kanila simula nang lumabas ang balita tungkol sa kanila. Gayunpaman, kahit noong naging karelasyon ni John Lloyd si Ellen Adarna, hindi din ito masyadong nagbahagi ng mge detalye ng kanilang relasyon sa publiko. Kaya naman, marami sa mga netizens ang hindi na nagugulat na hindi ito nagsasalita kaugnay sa kanyang napapabalitang bagong karelasyon.

Si Isabel ay isang artist na anak ng contemporary Filipino artists na sina Soler at Mona Santos at apo ng award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.

Si John Lloyd Cruz ay unang nakilala sa longtime running telebisyon show sa 'ABS-CBN,' na may pamagat na 'Tabing Ilog' kung saan nya napakareha si Kaye Abad.

Siya ay naging isang malaking bituin na may napakalaki at matagumpay na mga pelikula at serye sa telebisyon na nagdala ng maraming mga parangal at pagkilala sa kanya bilang isa sa pinakamahusay na aktor sa bansa.

Matatandaang kamakailan lang ay kinumpirma ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.

Kasabay ng pagsasapubliko ng tungkol sa kanyang pagbabalik-showbiz, ibinahagi din ni John Lloyd ang kanyang official na social media pages.

More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon