You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Sunshine Cruz, ibinahagi ang sikreto sa kaniyang ageless beauty at 40

GMA News Online logo GMA News Online 22/10/2021 JAMIL SANTOS
Sunshine Cruz © IG Sunshine Cruz

Sa edad na 44, looking young at glowing skin pa rin ang aktres na si Sunshine Cruz. Ano nga ba ang sikreto sa kaniyang ageless beauty?

"I'm already 44 now, nagkakaroon tayo ng mga hormonal imbalance, nagkakaroon ng pimples," sabi ni Sunshine sa panayam sa kaniya sa "Unang Hirit."

Gayunman, may ilang secrets si Sunshine kung paano niya pinapanatili ang kaniyang beauty.

"Drinking lots of water really helps. Thirty minutes to an hour of working out or even cardio is very, very important and lots of sleep. Talagang kailangan healthy food ang ating kakainin. Mild skin care ang importante," sabi ni Sunshine.

"And of course always live a very happy and positive life," dagdag pa niya.

May tatlong magaganda ring anak si Sunshine na sina Angelina, Angel at Sam.

Bagong hobby ngayon ni Sunshine ang pagko-crochet o gantsilyo para sa mga damit ng kaniyang mga anak.

"It makes me feel happy, knowing na na-a-appreciate ako ng mga mahal ko sa buhay every time ginagawan ko sila ng mga crop tops, ng things," sabi ni Sunshine.--FRJ, GMA News

This article Sunshine Cruz, ibinahagi ang sikreto sa kaniyang ageless beauty at 40 was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon