You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Tanya Bautista, sinundo si Vhong Navarro sa Taguig City Jail

Kami logo Kami 06/12/2022 Glory Mae Monserate

- Pinuntahan ni Tanya Bautista ang mister na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail matapos ang paglabas ng desisyon kaugnay sa petition for bail ng TV host

- Makikita sa video na binahagi ng ABS-CBN reporter na su Niko Baua ang maybahay ni Vhong na hindi pinagkaila na masayang-masaya siya sa nilabas na desisyon

- Ani Tanya, magiging maganda ang pasko ng kanilang pamilya nagyong nabigyan ng pagkakataon si Vhong na makapagpiyansa

- Matatandaang nailipat si Vhong sa Taguig City Jail noong November 21, 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Tanya Bautista, blessed at magiging maganda ang pasko ng kanilang pamilya matapos payagang magpiyansa si Vhong Navarro. Makikita sa video na binahagi ng ABS-CBN reporter na su Niko Baua ang maybahay ni Vhong na pumunta sa Taguig City Jail para sunduin si Vhong.

Tanya Bautista, sinundo si Vhong Navarro sa Taguig City Jail (@vhongx44) Source: Instagram © Provided by Kami Tanya Bautista, sinundo si Vhong Navarro sa Taguig City Jail (@vhongx44) Source: Instagram

Matatandaang tatlong buwan ding nakapiit si Vhong matapos nitong sumuko sa NBI matapos lumabas ang warrant of arrest para sa kanya sa isinampang kaso ni Deniece Cornejo. Nailipat si Vhong sa Taguig City Jail noong November 21, 2022.

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon