You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Tanya Bautista touched by show of support from Vhong Navarro's exes

PEP.ph logo PEP.ph 28/09/2022 Julie E. Bonifacio
© Provided by PEP.ph

Sa gitna ng kalbaryong pinagdadaanan ni Vhong Navarro, lubos ang pasasalamat ng misis nitong si Tanya Winona Bautista-Navarro dahil buo ang suporta mula sa pamilya at kaibigan nila.  

Kabilang na rito ang mismong mga ina ng dalawang binatang anak ni Vhong, na maituturing na sandigan na rin daw ng couple. 

Ang panganay na anak ni Vhong na si Yce ay anak ng aktor sa ex-wife at artistang si Bianca Lapus. Ang pangalawa na si Frederick ay anak ng comedian sa isang non-showbiz personality.  

Nakapanayam si Tanya ng ilang entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong September 21, 2022.

"Sobrang supportive," napangiting sabi ni Tanya nang tanungin ang posisyon ng mga ex ni Vhong sa kalagayan ng comedian-host. 

Tukoy pa niya kay Bianca at sa non-showbiz ex-girlfriend ni Vhong: "Alam mo, para kasi kaming family, e. So, siyempre, may time na mas focus ako kay Vhong.

"Talagang inaano nila, ‘Huwag kang mag-alala. The boys are okay,’ ganyan. Sila talaga constantly tsini-check kami."

Sa isang mensahe sa Facebook Messenger ay nai-share sa amin ni Bianca na ilalaban nila ang kinahaharap na kaso ni Vhong bilang pamilya.

"Ganoon naman po. Kahit noon, ganoon namin siya hinarap. Ganoon din ngayon," reaksiyon ni Tanya.

Sino sa mga kasamang host ni Vhong sa It’s Showtime ang unang dumalaw sa kanya?

Ayon kay Tanya, "Wala pang pumupunta kasi ano pa lang naman… Pero yung messages nila, ipinaparating nila through me.

"Very supportive sila. Minsan nga, alam mo yung ramdam mo sa kanila na hindi nila alam kung anong klaseng words ang ipapadala nila that may comfort me.

"Pero yung simpleng prayer for that day, ise-send lang sa iyo. Alam mo na yun lang pala ang kailangan mo for that day."

What about ang ABS-CBN management? Paano nito ipinapakita ang suporta nila kay Vhong?

Sagot ni Tanya, "Ang support naman po ng ABS kay Vhong, very welcome siya sa Showtime kahit na-reverse na itong… Sinasabi po nila, ‘We’re behind you.’

"So, trabaho, nandiyan pa rin... naghihintay sa kanya.

"Actually, doon sa interbyu niya bago lumabas yung isang warrant, may isang reporter na nagtanong sa kanya na, 'Magtatrabaho ka pa ba kapag nakapag-bail ka na?'

"Babalik siya, sabi niya. Kasi, hinihintay siya ng pamilya niya, e."

HOW VHONG IS COPING WITH DETENTION

Kumusta ang unang gabi ni Vhong sa detention cell?

"Sabi niya... at least, yun ang nag-pacify sa akin.

"Kasi sabi niya, ‘Okey naman. Mababait naman sila dito.’ Pero siyempre, hindi ko na alam yung hitsura, at ang sabi niya, pinapasaya raw siya ng mga kasama niya roon.

"Sabi niya, ‘Hindi ko kayang maging komedyante ngayon.’"

Sa puntong ito biglang napaiyak muli si Tanya, na bakas ang hirap ng kalooban sa gitna ng pinagdadaanang kalbaryo ng mister.

Paglalarawan ni Tanya nang makita si Vhong noong araw na iyon, "Kaninang umaga? Alam mo, wala. Ano na siya, e, makikita mo talaga sa mukha niya. ‘Tsaka yung, bagsak.

"Pinipilit niyang kumain. So, yung visit ko sa kanya, kasi nga, parang nagka-catch up kayo. Kailangan ko siyang i-update in terms of yung mga ano sa case.

"Sobrang ang dami niyang tanong. ‘Kumusta na si Yce? Kumusta ka?’ Yung mga ganoon. 'Tapos, gusto mong kuwentuhan bigla ng mga light naman kasi masyado nang bumibigat.

"Tapos ayun, umandar yung oras na kailangan ko na, nung kailangan ko nang umalis, sobrang hagulgol na siya," umiiyak pa ring lahad ni Tanya.

Dagdag ni Tanya sa kalagayan ng comedian-host, "Sobrang emotional na niya. Dinig ko talagang humagulgol na siya. Kasi, yun na. 'Tapos, yung parang yakap niya...

"First time yung ganoon. Kasi nga mag-isa siya. Sabi ko nga sa iyo, bumabalik na naman yung trauma niya."

HOW TANYA DEALS WITH THE PAIN OF SEEING VHONG’S ORDEAL

Inamin ni Tanya na kay Vhong din siya humuhugot ng tapang at lakas sa pagharap sa pinagdadaanan nilang pagsubok.

"Siguro kay Vhong, sabi niya humuhugot siya ng lakas sa akin. Pero sabi ko, ‘Mali. Baligtad. Ang nakikita kong lumalaban ka, mas lalo akong tumatapang.’

"Kaya sabi ko, ‘Huwag kang bibigay.’ Mas mahirap lang ngayon kasi hindi ko siya kasama."

Paano niya iniwan si Vhong sa cell?

"Same, kasi nung kailangan na niyang ma-detain, grabe rin yun. Iba rin yun.

"Pero yun may halong ano [pangamba], siyempre, anong naghihintay sa kanya sa loob, di ba, ganoon.

"'Tapos ngayon, ibang level din yung lungkot, na parang gusto mong sabihin, ‘Dadalaw ako ulit,’ yung ganoon."

Ikinuwento rin ni Tanya ang unang gabi na wala sa tabi niya si Vhong.

"Actually, nung umuwi ako, nung na-serve na yung sa rape na warrant, pag-uwi ko, yung pasok ko sa kuwarto, grabe!

"Yung pinigil ko nung time na nandoon ako na kasama niya, bumuhos lahat. Hindi ko ma-contain," naiiyak na sabi pa niya.

Patuloy ng misis ni Vhong: "Hindi ko mabuo yung mga kailangan niyang gamit. Pero kailangan mo ring umalis dahil hinihintay niya.

"Tapos, akala ko tapos na doon. So, nung umuwi ulit ako, yun na naman. Iyak na naman ako.

"Sabi ko, parang hindi ko yata kayang matulog sa kuwarto. Pero trinay ko kasi masokista ako. So, trinay ko.

"Mababaw ang tulog kasi nagi-guilty ka. Nagi-guilty ka kasi masarap ang higaan mo. 'Tapos siya, hindi mo alam kung ano yung hinihigaan niya."

Ano ang worst fear niya ngayon?

"Kung may mangyari sa kanya. Wala siyang kasama. Yung security niya. Kaya bumabalik yung anxiety, yung trauma. E, nangyari na, e. Posible ulit mangyari."

TANYA'S HEARTFELT MESSAGE FOR VHONG

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Tanya para kay Vhong.

Aniya, "Si Vhong, sobrang mahal na mahal ko. Uhm, huwag na huwag mong iisipin na iiwan kita. Lagi na siyang ganyan. Iyon yung greatest fear niya.

"Sinasabi ko sa kanya, ‘Kung iiwan kita, dapat noon pa. Nung hindi tayo kasal, kung nangyari ‘to, mag-boyfriend-girlfriend pa lang tayo, hindi kita hinatid sa ospital.

"'O kaya, nung nakikita ko na medyo okay ka na, iwan na kita. Hindi. Umabot tayo dito.

"'Lalo kong nakita kung gaano ka kabuting tao. Nagpakasal tayo. So, never, never think na iiwan kita sa laban na ‘to,'" emosyunal na saad ni Tanya.

Dasal ng misis ni Vhong na makapagpiyansa ito sa korte para sa kasong rape na isinampa laban sa Kapamilya comedian-host.

Ayon kay Tanya, inaayos na ng legal team ni Vhong, sa pangunguna ni Atty. Alma Mallonga, ang inihain nilang "petition for bail" sa Taguig Court.

Idiniin niya ritong hindi totoo ang akusasyon kay Vhong.

"I know it’s a non-bailable case, but we have strong evidence that it didn’t happen. Yeah, sobrang strong. Kaya nga po naipanalo namin iyan several times, di ba? Ni-reverse lang," kumpiyansang sabi ni Tanya.

Nagbigay rin ng reaksiyon si Tanya sa pagbansag na "serial rapist" kay Vhong ng negosyanteng si Cedric Lee.

Ang grupo nina Cedric at Deniece Cornejo ay sinampahan ni Vhong sa korte ng serious illegal detention at grave coercion dahil sa pambubugbog at pangingikil sa It’s Showtime host. Nahatulang guilty ng grave coercion sina Cedric at Deniece noong 2018, at patuloy pa ring nililitis sa korte ang serious illegal detention.

Sa sinabi ni Cedric na "vindicated" ito sa pagkakaditena ngayon ni Vhong, pahayag ni Tanya: "Siyempre galit na galit ako. Ni hindi ako makapag-formulate ng kung anong masasabi ko right now because, siyempre, hindi ko alam kung saan nanggagaling yung feeling na ‘vindicated’ siya. Hindi ko alam.

"Kasi si Vhong yung victim, di ba? Si Vhong yung victim," diin ni Tanya.

Sabay sabi niya, "He may have cheated on me. Sa akin siya may kasalanan. Pinatawad ko na siya.

"So, wala siyang atraso kina Cedric, kina Deniece."

Isang araw pagkatapos magpainterbyu ni Tanya sa members ng media and bloggers ay nag-post ang abogado ni Deniece na si Atty. Topacio ukol dito.

Post ni Atty. Topacio sa kanyang Facebook account, "Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro’s wife for making statements that are sub judice in nature.

"We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity. THEY WILL BE HELD LIABLE!"

Bago pa man ang Facebook post ni Atty. Topacio, nilinaw ni Tanya na ibinabahagi lamang niya ang saloobin tungkol sa kalagayan ni Vhong.

"Hindi ako sumasagot on anything related about yung particulars, lalo na kapag hindi na ako comfortable," paliwanag niya.

"But ako, kung ano lang, I mean, yung questions ninyo naman so far ay gusto ninyo lang malaman kung kumusta siya, kumusta kami as a couple. Or kumusta ang family niya. Yun, dini-describe ko lang."

Nananatiling bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

More from PEP.ph

image beaconimage beaconimage beacon