You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Valeen Montenegro, hindi nagpapaapekto sa mga komentong mukha raw siyang lalaki

GMA News Online logo GMA News Online 02/12/2021 JAMIL SANTOS
valeen montenegro valeen montenegro

Sumalang sina Valeen Montenegro at Lovely Abella sa mga maiinit na tanong sa "Sarap 'Di Ba?" online exclusive. Kabilang sa mga tanong ay kung ano ang pinakamalalang komento na natanggap nila sa social media.

"Madami, parang 'Mukha kang lalaki,' 'Bakit ka nagwo-workout nang ganiyan? Nagmumukha kang lalaki'" sabi ni Valeen tungkol sa komento sa kaniya ng ilang netizen.

Si Lovely naman, nakatanggap ng pagkuwestiyon sa kaniyang pagiging vlogger.

"'Artista ka kaya pinapanood ka,'" komento raw ng netizen kay Lovely.

May sagot naman dito ang dalawang "Bubble Gang" babe.

"Pero it doesn't affect us," sagot ni Valeen.

"Totoo!" pagsegundo ni Lovely.

Sa kabilang banda, inalala rin nina Valeen at Lovely ang mga positibong komentong natatanggap nila sa fans.

"Natutuwa ako sa little details na kunwari, sinasabi na 'Fresh ka today,' 'yung mga ganu'n na nakakaganda ng araw," sabi ni Valeen.

"Ako naman, 'yung nai-inspire sila," ani Lovely.

Tinanong din ang dalawa kung may nagawa ba sila sa buhay na kanilang pinagsisihan.

"Wala namang regret kasi lahat naging lesson siya sa amin," sabi ni Lovely.

"Korek," dugtong ni Valeen, sabay paliwanag na ang desisyon na ginawa noon ay iyon ang feeling na gusto mo.

Pero sino kaya ang nag-iisang aktor na gusto nilang matambal, at kaninong isip ng celebrity ang gusto nilang mabasa? Panoorin ang sagot nila sa video.

--FRJ, GMA News

This article Valeen Montenegro, hindi nagpapaapekto sa mga komentong mukha raw siyang lalaki was originally published in GMA News Online.

More From GMA News Online

GMA News Online
GMA News Online
image beaconimage beaconimage beacon