You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

#UsapangPera: The Right Savings Mindset, S03E01

Ano ang kaugnayan ng pag-iipon sa pagtitipid? Masama ba ang gumastos? “Ang pag-iipon ay ang pagpapaliban sa lugod sa paggastos or saving is the postponement of the pleasure of spending,” ito ang depinisyon ni Sir Vince sa ipon o savings. Sa ganitong pagintindi sa savings, marami ang makakaipon dahil gaganahan at magiging inspirado silang gumawa ng karagdagang mapagkakakitaan bukod sa pagtitipid. Hindi masama ang gumastos lalo na kung pinagkakagastusan ay mga pangangailangan, gayon din sa mga wants o mga bagay na nakakapagpasaya sa buhay. Masaya tayo kapag natutugunan natin ang pangangailangan ng ating mga mahal sa buhay lalo na kung naibibigay natin sa kanila ang mga nakapagpapagaan sa buhay. Gawing positive motivation sa pag-iipon ang mga needs at wants mo. Mas madaling kumayod at magtipid kung may positive mindset tayo.
image beaconimage beaconimage beacon