You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

May kondisyon: Mayor Isko, payag sa pagbabalik ng mga street vendors sa Divisoria

Kami logo Kami 11/7/2019 Marisse Gulferica
a group of people standing in front of a crowd: May kondisyon: Mayor Isko, payag sa pagbabalik ng mga street vendors sa Divisoria © Provided by Genesis Media May kondisyon: Mayor Isko, payag sa pagbabalik ng mga street vendors sa Divisoria

- Pinayagan na ni Manila Mayor Isko Moreno na magbalik sa Divisoria ang mga street vendors sa lugar

- Natuwa ang mga dating nakapwesto roon at malaking bagay daw ito lalo na at magpapasko

- Kailangan lamang ng mga itong sumunod sa mga kondisyon na ibinigay ng alkalde

Muli nang pinapayagan ng alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno na makapagtinda muli ang mga street vendors ng Divisoria.

Ayon sa Inquirer, binigyang permiso na ang mga maliliit na negosyante sa lansangan ng Divisoria ngunit kailangan nilang sumunod sa ilang kondisyon.

Una na rito ang lawak ng espasyo ng kanilang ookupahan. 1 meter by 1 meter ang binigay na sukat sa kanila ng bawat stalls na kanila muling itatayo.

Importante rin na maayos pa ring makakadaan ang mga sasakyan kahit pa may mga stalls na muli sa kalsada.

Sa ngayon, mayroon nang mga pwesto sa Carmen Planas at Tabora Street at bahagi ng Ilaya Street malapit sa Moriones.

Samantala, ang mga kalsada tulad ng Juan Luna Street at Recto Avenue ay di pa rin maaring okupahan ng mga street vendors.

Inaasahan ng alkalde ang mahigpit na pagsunod ng mga tindero upang sa gayon ay maging masaya rin naman ang kanilang pasko dahil sa mayroon silang kinita.


More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon