Sparkle artist Andrei Sison, 16, dies in car accident
Pumanaw na ang Kapuso teen star na si Andrei Sison sa murang edad na 16.
Inanunsiyo ng Sparkle GMA Artist Center ang pagpanaw ni Andrei sa pamamagitan ng isang official statement.
Nakasaad dito na binawian ng buhay si Andrei dahil sa car accident ngayong Biyernes ng umaga, March 24, 2023.
Nakiusap din ang Sparkle, ang talent management arm ng GMA Network, na respetuhin ng publiko ang privacy ng pamilya ni Andrei ngayong nagdadalamhati sila sa pagkawala ng mahal nila sa buhay.
Kabilang sana si Andrei sa ilulunsad na Sparkle Teens sa darating na buwan ng Abril.
Narito ang kabuuang pahayag ng Sparkle tungkol sa maagang pagpanaw ng kanilang artist na si Andrei Sison: