You are using an older browser version. Please use a supported version for the best MSN experience.

Isang Pinoy na nurse sa London, pumanaw habang naka-quarantine sa apartment

Kami logo Kami 4/8/2020 Kurt Yap
a man in a blue shirt: Isang Pinoy na nurse sa London, pumanaw habang naka-quarantine sa apartment © Provided by Kami Isang Pinoy na nurse sa London, pumanaw habang naka-quarantine sa apartment


Isang Pinoy na nurse sa London ang binawian ng buhay matapos magkaroon ng sintomas ng coronavirus disease (COVID-19).

Nalaman ng KAMI na ang 51 anyos na nurse na si Dondee Zuelto ay nahawaan ng pasyenteng may sintomas din ng COVID-19 sa Barts Health National Health Service (NHS) Trust.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, noong Marso 24 ay nakapag-post pa si Zuelto na may pasyente siyang may ubo, lagnat, sipon, at iba pang sintomas ng coronavirus.

📰 MORE ON MICROSOFT NEWS

Hindi nagtagal ay nagkaroon na rin siya ng ganitong sintomas kaya nagpasya siya na mag-quarantine na lang sa bahay upang hindi makahawa ng iba.

Sa loob ng isang linggo na pakikipag-usap sa pamilya at mga kaibigan ay bigla na lang naputol ito noong Abril 5. Kaya naman, nag-alala na ang mga kaibigan at kamag-anak nito sa Scotland.

Iniulat ng mga ito sa pulisya ang sitwasyon at kinailangan pang ideklara na nawawala si Zuelto upang mabuksan lang ang kanyang tinitirahan nitong Miyerkoles.

Matapos pasukin ang kanyang flat na tinitirahan ay doon nalamang pumanaw na nga ang Pinoy na nurse na may mild symptoms ng COVID-19 at kinumpirma na ito ng City of London Police.

Si Zuelto ay tubong Negros Oriental. Siya ang breadwinner ng kanyang pamilya at tinutulungan niya ang kanyang 3 na pamangkin sa pag-aaral.

Samantala, nasa 60,733 naman ang naitalang kaso ng COVID-19 sa United Kingdom at ang 7,097 nga rito ay nasawi na. Maging ang UK Prime Minister na si Boris Johnson ay tinamaan na rin ng COVID-19.


More From Kami

image beaconimage beaconimage beacon